remembering the good old days.. when there was no cable, no mtv, no dvd, no internet streaming yet.. when after the noon time show comes the soap opera and then after that the tagalog movies.. relate mode! ~~
“You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!”
-Cherie Gil, “Bituing Walang Ningning”
“Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.”
-Vilma Santos, “Palimos ng Pag-ibig”
“Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat!”
-Nora Aunor, “Himala”
“My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo!”
-Nora Aunor, “Minsa’y Isang Gamugamo”
“Gaano kadalas ang minsan? Once, twice, three times more?”
-Hilda Koronel, “Gaano Kadalas Ang Minsan?”
“Ayoko ng masikip, ayoko ng walang tubig, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik”
-Maricel Soriano, “Kaya Kong Abutin ang Langit”
“Hayop! Hayuuup! Hayuuupppp!”
-Nora Aunor, “Ina Ka Ng Anak Mo”
“Walang personalan. Trabaho lang.”
-Rudy Fernandez, “Markang Bungo”
“Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay!”
-Vilma Santos, “Saan Nagtatago ang Pag-ibig”
“Pwede bang makausap ang asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan?”
-Laurice Guillen, “Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi”
“Akala mo lang wala.. pero meron!! meron!! meron!!”
-Carlo Aquino, “Bata, bata! Paano ka Ginawa”
“Gutay-gutay na ang katawan n’yo! Pati ang kaluluwa n’yo, gutay-gutay na rin “
-Sharon Cuneta, “Pasan Ko Ang Daigdig”
“Sabel! This must be love!”
-Carmi Martin, “Working Girls”
Sharon: “Ang hirap sa ‘yo, Delfin, maaga kang pinanganak.”
FPJ: “Ang hirap sa ‘yo, Georgia, huli ka nang ipinanganak.”
-Sharon & FPJ, “Kahit Konting Pagtingin”
“Wala akong pakialam. Ibalik mo sa akin si Junjun! Ibalik mo sa akin si Junjun!”
-Vilma Santos, “Paano Ba Ang Mangarap?”
“Kung saan, kailan at paano ang labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan!”
-Sharon Cuneta, “Dapat Ka Bang Mahalin?”
Alice: “Ate, mamatay ako pag kinuha mo sa akin si Alex.”
Lorna: “Ipalilibing kita!”
Alice: “Ate please.”
Lorna: “Nu’ng inagaw mo sa akin si Alex, muntik na rin akong mamatay. Ngayon naagaw ko na siya sa ‘yo, ikaw naman ang mamatay!”
-Alice Dixson and Lorna Tolentino, “Nagbabagang Luha”
“Kung hindi mo ako kayang mahalin tulad ng isang tunay na asawa, e di mahalin mo ako bilang isang kaibigan. Kung ayaw mo pa rin no’n, bigyan mo na lang ako ng respeto bilang isang tao.”
-Vilma Santos, “Relasyon”
“Cheeta-eh! Ganda lalake!” “Ulol! Sinungaling! Panget! Panget!”
Rene Requiestas and his echo in “Starzan 2: The Legend Continues”
“Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?”
-Tony Santos Sr., “Sister Stella L.”
i was never ur partner, i was only ur wife kaya hindi mo ako nirerespeto..
- Sharon Cuneta, madrasta
i did not kill anybody!
- Nora Aunor, flor contemplacion story
Maricel: Wag kang maka-arte arte na 'kala mo kung sino ka dahil sampid ka lang dito.
Lorna: Hindi pareho lang tayo dito? Pinulot lamang sa lupa?
- Maricel Soriano and Lorna Tolentino: Dinampot Ka Lang Sa Putik
Maricel: Are you having an affair with my husband?
Zsazsa: Affair?
Maricel: Oo affair! Kabit, Querida, Number 2, Mistress..
Zsazsa: Terry..
Maricel: Wag mo akong ma-Terry, Terry. Iyong tanong ko ang sagutin mo. Are you fucking with my husband?
Zsazsa: Minsan!
-Maricel Soriano, Zsa Zsa Padilla, Minsan Lang Kita Iibigin
"Ako pa rin ang asawa, karugtong ng buhay, kasiping sa kama!"
- Vilma Santos to Maricel Soriano, Yesterday, Today and Tomorrow
"Ang anak hindi napapalitan pero ang asawa nahihiwalayan!!!"
- Maricel Soriano to Vilma Santos, Yesterday, Today and Tomorrow
"Walang hindi nakakakilala sa pangalang MAGNOLIA DELA CRUZ, ang hindi nakakakilala sa pangalang ito ay ASO lamang!!!"
- Nora AUnor, Bilangin Ang Bituin Sa Langit
"Darating siya, alam ko darating siya at mamahalin niya ako para sa mga taong hindi nagmahal sa akin..."
- Maricel Soriano, Ikaw Pa Lang Ang Minahal
you made me believe. you made me believe we had a chance..."
-SHARON CUNETA in MINSAN MINAHAL KITA
pagmasdan mo ang mukhang ito! basahin mo sa mukhang ito ang di mabilang na kasalanan ninyo at nang inyong ama sa akin at sa aking ina!
-HILDA KORONEL in MAHAWI MAN ANG ULAP
nagpanggap ako'ng class dahil yun ang sinabi nila sa akin. eh ikaw sino ang nagsabi sa iyong magpanggap kang tao?"
-JUDY ANN SANTOS in IM SORRY MY LOVE
pag-ibig?! putanginang pag-ibig yan!"
-NANNETE MEDVED in NARITO ANG PUSO KO
Eddie Garcia: Marami ka pang bigas na kakainin!
FPJ: Hindi ako kumakain ng bigas, Major. Sinasaing ko muna bago kong kakainin. Ikaw Major, palay palang, kinakain mo na.
EG: Shit!
FPJ: Shit ka rin!
-EDDIE GARCIA & FERNANDO POE JR. in KAPAG PUNO NA ANG SALOP II
Get out of my house! Oo, bahay ko 'to! Bahay ko 'to dahil ako ang nagbabayad ng ilaw, ako ang nagbabayd ng tubig! Get out of my house! I don't need a parasite!
-MARICEL SORIANO in SOLTERA
Kanina Pa Ako Rumarampa... Wala Namang Bumibili, Hindi Yata Araw Ng P E K P E K Ngayon
-Cherry Pie Picache: Sibak The Midnight Dancers
iniwan kita para mag-isip,,, HINDI PARA IPAG PALIT AKO SA IBANG BABAE!
-Maricel Soriano: Soltera
Kaibigan mo lang ako..and im so stupid in making the biggest mistake.in falling in love...with my best friend
-JOLINA MAGDANGAL
No comments:
Post a Comment